Na-aalala mo pa ba noon na:
1. diyes lang ang pamasahe, kandong libre pa
2. ang babae lang ang may hikaw
3. ang preso lang ang may tattoo
4. si Erap at FPJ ay sa showbiz section lang ng dyaryo nababasa
5. ang intindi mo ng LOL ay ULOL imbes na Laughing Out Loud
6. ARCEGAS at ESCOLTA ang shoppingan sa bansa
7. diyes lang ang isang basong taho
8. at kailangan mong magdala ng sarili mong baso, kasi wala pang plasticcups noon si manong na magtataho
9. chocnut, bukayo at kending vicks ang pinag-gagastusan mo ng sinko mo
10. Sarsi with egg ang pampataba at star margarine, at matamis na bao saumaga.
11. nagkaka-kalyo ka dahil sa type writer pa ang ginagamit mo para saschool paper mo
12. kaya uso pa noon ang carbon paper
13. at tancho o superman ang pang-ayos mo ng buhok
14. KLIM ang tinitimpla ng nanay mo para sa'yo para inumin mo bagomatulog
15. nakakapag-grocery ka na 20 piso lang ang dala
16. anim na numero lang ang kailangan mong tandaan para tawagan angkaibigan mo
17. computer cards ang iyung tinutupi para maging barilbarilan
18. singkwenta sentimos lang ang songhits
19. pango pa si Vilma
20. kay paeng yabut ka lang naniniwala pag-ukol sa panahon ang balita
21. sinkwenta sentimos lang ang pa-gupit
22. pinagtatawanan ang kalbo
23. hindi uso ang gusot ang buhok at damit
24. nakakahiya kung nakalitaw ang halfslip ng babae, ngayon nakadisplaypa ang panty at pusod
25. lalaki pa noon si ernie maceda at senator sonny osmena
26. hostess pa ang tawag, ngayon GRO na
27. sa escolta ka namimili ng pamasko mo
28. ang mga lola sa kalye umiihi. bukaka lang tapos hawak ang saya salikod at harap. patayo pa
29. payat na payat ka pa noon
30. malago pa ang buhok mo
Kung naaalala mo pa yan eh...
ANG TANDA MO NA!hehe
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment